Nene, totoy pinaslang sa Laguna

SININGIL ng buhay ng dalawang anak ang nakautangan ng ama ng mga ito sa sabong sa San Pedro, Laguna.

Sumuko ang suspek na si Joey Aguirre, vendor ng balloon, at agad inamin na siya ang responsable sa pagpaslang kina “Nene”, 8 at “Darwin”, 4.

Ayon sa salaysay ng suspek, nagawa niya ang karumal-dumal na krimen dahil hindi nagbayad ang ama ng mga biktima na nagkakahalaga ng P900 para ipantaya sa sabong. Mahalaga umano sa kanya ang naturang halaga dahil nilalaan niya ito sa pagbinyag ng kanyang anak.

Nabatid na noong linggo pa ng umaga nawawala ang mga biktima na nakita na lamang ang mga bangkay sa bakanteng lote sa isang subdibisyon sa Brgy. United Better Living, naturang bayan, Martes, Marso 1.

“Binabangungot ako eh,” ayon kay Aguirre kaya naisipan niyan sumuko sa kapulisan.

Mahaharap sa dalawang kasong murder ang suspek. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply