Nigerian national nanakal ng pick-up girl

MAHIGPIT na pagkakasakal ang inabot ng isang pick-up girl matapos nitong ‘di mapagbigyan ang isang 22-anyos na Nigerian national para sa isang panandaliang aliw at tinangay pa ang pera ng dayuhan Sabado ng madaling araw, Marso 5, sa Malate Maynila.

Personal na dumulog sa MPD-General Assignment Section ang dayuhan na si Christian Nnamdi Mmaduka, second year Psychology student ng Collegio de San Juan de Letran at nanunuluyan sa Letran Dormitory, upang ireklamo si Anne Tricia Misa, 19, pick-up girl, tubong Pasig City at nakatira sa 2021 Madre Ignacia Malate, Manila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 John Cayatena at PO3 Arvin Calob,dakong alas-3:44 ng medaling araw ng pumasok si Mmaduka at Misa sa Casa de Antonio Pension Inn sa 2030 Adriatico St., Malate Manila.

Ayon kay Mmaduka, galing umano siya sa isang bar sa Malate para maglibang at pasakay na ng taxi pauwi sa kanyang tinutuluyan nang makita nito ang dalawang pick-up girls.

Si Misa ang napili ng dayuhan kaya’t siya ang sumakay sa taxi at nagpahatid sa nasabing motel.

“You money down, before inside room,” sinabi umano ni Misa habang “you up and I pay you,” naman ang isinagot ni Mmaduka.

Umakyat ang dalawa sa room 403 ng motel subalit makalipas lamang umano ng limang minuto ay bumaba si Misa na sinundan naman ni Mmaduka.

Dito nagkaroon ng komosyon nang hilahin ng dayuhan ang babae at pilit na pinapaakyat sa kanilang inupahang kuwarto kung saan nauwi sa pananakal umano ni Mmaduka nang i-lock nito ang kanyang braso sa leeg ng pick-up girl.

Nagsulputan naman ang iba pang kasamahan ni Misa na umanoy pawang mga pick-up girls at tinulungan si Misa na makawala sa pagkakasakal.

Ayon naman sa dayuhan, hawak niya umano ang babae dahil kinuha ang kanyang pera na nagkakahalaga ng $300.

“Ayaw magmoney down sa taas ang gusto tapusin muna,” ayon naman sa pahayag ni Misa.

Agad na naireport ng pamunuan ng motel sa pulisya ang insidente kaya inimbitahan ang magkabilang panig upang sa headquarters na lamang magharap.

Ayon naman kay SPO1 Cayetano, posible umanong tagpuan ng mga pick-up girls ang nasabing motel dahil biglang nagsulputan ng mga ito nang magkaroon ng komosyon sa apagitan ni Mmaduka at Misa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply