No. 4 nuclear reactor nasunog

NAGKAROON ng sunog sa gusali ng No. 4 reactor sa Fukushima No. 1 nuclear power plant sa Japan, Martes ng umaga, Marso 15.

Ito ang kinumpirma ng Electric Power Company sa Japan.

Sa isang news conference, sinabi ng naturang kumpanya na nagkasunog sa northwestern part ng ikaapat na palapag ng gusali ng reactor bandang 9:38 ng umaga (oras sa Japan).

Ang naturang sunog ay tumagal ng halos isang oras bago naapula.

Dahil sa nangyari ay tumagas ang radiation dahilan para tuluyang ilikas ang mga manggagawa sa naturang planta.

Pinayuhan na rin ni Noato Kan, Prime minister ng Japan ang mamamayan sa bansa na manatili na muna sa kani-kanilang bahay, lalo na silang sakop ng 30 kilometro mula sa Fukushima nuclear plant. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply