No-flyzone sa Libya aprubado ng UN

APRUBADO na ng United Nations security councils ang no-fly zone sa bansang Libya at pagbibigay ng awtorisasyon ng gumamit kung anumang pwersa para maprotektahan ang mga sibilyan sa mga tauhan ni Moammar Gadhaffi.

Ang naging botohan sa 15-member na security council ay 10-0. Sampu ang pabor, walang hindi pabor at lima ang abstentions kabilang ang mga bansang China at Russia sa naturang resolution.

Ang U.S., France at Britanya ang siyang nagsulong para mapabilis ang pag-apruba sa no-fly zone resolution.

Ayon kay French Prime Minister Francois Fillon, magpapadala ang kanyang bansa ng military support para tugisin ang mga tauhan ni Gadhaffi at sinundan ito ng Estados Unidos. Ang mga Arab nations naman ay magpapadala ng kanilang mga tauhan para sumuporta.

“The U.N. Security Council has no mandate. We don’t acknowledge their resolutions”, ito ang naging pahayag ni Ghadaffi matapos mabalitaan ang resolution ng U.N.

Ipinababawal sa resolution ang pananakop sa anumang lugar sa Libya ng kahit anumang bansa na magpapatupad sa No-Fly zone. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply