Nobya ni mister sinaksak ni misis

SUGATAN ang isang bebot matapos saksakin ng misis ng kanyang kalaguyo sa Navotas, Martes ng gabi.

SUgatan sa kaliwang braso ang biktima na nagpatago sa pangalang “Marissa.”

Inimbitahan naman sa barangay hall si Myrna Piong, nasa hustong gulang, nasabing lugar.

Nabatid na dakong 9 ng gabi, nakarating kay Myrna na kinukupkop pa ng kanyang biyenan ang kulasisi ng kanyang asawang nasa abroad.

Sa galit ni Myrna ay pinuntahan nito ang biyenan na si Lydia na nakatira malapit sa bahay ng una at nang makita ang kulasisi ng asawa ay agad na inundayan ng saksak gamit ang isang gunting.

Matapos maipagamot ang sugat ay nagtungo sa barangay hall ang babae subalit hindi na nagreklamo laban kay Myrna. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply