Nora Aunor hinihintay pa rin ni Victor Laurel

KAHIT hanggang sa dulo ng walang hanggang ay hihintayin ni Victor Laurel ang kanyang leading lady na si Nora Aunor.

Ito ang tiniyak ni Victor sa isang eksklusibong kuwentuhan kamakailan nang ipakilala siya bilang Simon Vela ang cine-musical na “Simon’s Way” na tungkol sa Franciscan brother na umakyat ng maraming bundok para makita at mabawi ang imahen ng Birheng Maria ng Nueva Caceres.

“I miss Nora a lot,” pahayag ng aktor na nagbigay sa atin ng mga imortal na pelikulang “Lollipops and Roses,” “Lollipops and Roses at Burong Talangka” at marami pang iba.

Ayon kay Victor, nagkausap sila ni Nora at handang-handa na ang aktres na bumalik sa Pilipinas.

***

At dahil may pagtatanghal ang “Simon’s Way” sa Iriga City, ang siyudad na sinilangan ni Aunor, nais ni Cocoy, palayaw ni Victor, na makasama ang aktres sa kanyang pagtatanghal kahit manood man lang ito at sumuporta sa kanilang produksyon.

Sinabi ni Cocoy na dahil si Guy ay nilalang ng Diyos at para sa kaluwalhatian Niya ang kanyang ginagawa, ang boses nito ay manunumbalik.

“Her voice is very phenomenal. She is blessed so her voice will return,” pahayag ni Laurel sa nagkaletse-letseng tinig ng Superstar dahil sa miskalkulasyon sa pagpapabanat niya ng kanyang mukha kamakailan sa Japan.

Sabik na sabik na si Victor na mayakap at makausap ang dating katambal sa pelikula.

“You know what, bastat may occasion sa bahay, like my birthday, nagpupunta pa ang fans namin ni Guy sa bahay and they bring foods and other things to partake. Nakaka-touch talaga sila,” pagpapatunay ni Laurel.

Walang kupas si Cocoy dahil siya ay tunay na alagad ng sining.

NORA, PAPATULAN NI MANNY PANGILINAN

Samantala, mukhang papatulan ni Manny Pangilinan si Nora na mapasama sa TV5.

Kung gayon pag nagkataon ay magkakasama sina La Aunor at Vilma Santos sa teritoryo ni Manny dahil maugong ang balita ng mga Vilmanians na kinukuha ni Pangilinan si Vilma.

Si Guy naman ay lagi nang bukas sa mga intresado sa kanya bastat malinaw lang ang usapan.

Ngayong 2011 ay mas hitik sa istorya at ligaya ang loob at labas ng showbiz na repleksyon ng lipunang Filipino.

**************

Alam ba ninyong bago mamatay si Paul Toledo ay nakatakda siyang magpagamot kay Mang Rey Ferrer, ang anak ng namayapang faith healer na paborito nina Justo C. Justo, Maricel Soriano, Edu Manzano, Imelda Papin, Aurora Sevilla, Ricky Reyes at marami pang iba?

Kasi nga’y kaibigan pa mula’t sapul ng dating talent manager ni Paul na si Tess Gutierrez si Mang Caring, ang tatay ni Rey na manggagamot ng showbiz.

Kaya lang ay isang araw bago ang takdang pagpapagamot ni Paul ay sumakabilang-buhay na siya.

May nagpapakulam umano kay Toledo kaya lumala nang lumala ang kanyang karamdaman hanggang tuluyan na siyang igupo nito.

Gayunman, sa kanyang kamatayan ay buhay na buhay ang diwa ng mga nagmamahal sa kanya dahil sa ika-30 ng Marso, 2011 ay may pabenepisyo para kanya si Freddie Aguilar at si Zeny Marcelo-Poe, ang balo ni Conrad Poe, sa Ka Freddie’s sa Malate. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply