Nora Aunor kapalit ni Vilma Santos sa ‘El Presidente’

HOW true na si Nora Aunor ngayon ang balak kunin isa sa mga leading lady ni Laguna Governor E.R.Ejercito para sa pagsasapelikula ng buhay ni Emilio Aguinaldo na title ay El Presidente na intended sa darating na Metro Manila Film Festival.

Gusto sanang kunin ni Gov ER ang serbisyo ni Vilma Santos pero hindi raw ito pupuwede dahil busy ito ngayon at may project pang gagawin under Star Cinema.

Kung matutuloy na si Ate Guy ang kukunin replacement role kay Vilma ay magandang idea dahil puwedeng matugunan ni Governor ER ang nasusulat na request daw ng Superstar na libreng matutuluyan habang nandito sa bansa.

Sinabi kasi ni Gov. ER na puwede niyang patirahin kahit isang taon sa kanilang hotel sa Pagsanjan Laguna ang Superstar nang libre.

Paging German Moreno, ito na ang pagkakataon na iparating kay Nora na may matutuluyan na siyang hotel nang libre habang may ginagawa pa siyang big budgeted movie.

************

Sa kagustuhan makatulong sa showbiz industry at sa mga artista na wala nang project or nabibigyan na pelikula ay nagsanib puwersa sina Pepito Vera Perez, Pepito Rodriquez, Jun Yuson at Direk Jun Cabrera na magproduce para mabigyan muli ng break ang mga hindi na napapansin ng malalaking production outfit.

Lima kaagad ang naka-line up na Indie film na gagawin ng apat na nagsanib na producer at una nilang Indie film ay “Hostage Ka” at “Multo” na pagbibidahan ni Smokey Manaloto.

Bibigyan din ng break ng apat ang mga baguhan or aspiring actor at actress na matupad ang pangarap maging sikat na artista.

Ganoon din ang mga tao nasa likod ng camera na wala nang trabaho dahil hindi na nabibigyan pagkakataon mapasama sa isang malaking pelikula.

Maganda ang hangarin ng apat na nagsanib producer. Sana tumagal at magtagumpay sila para mas maraming showbiz people ang kanilang matulungan.

***************

Hayan at nag-react ang alaga ng kaibigan namin si John Fontanilla sa lumabas na nagwala raw ang alaga niyang si Chariz Solomon sa isang bar sa Timog Avenue Quezon City, kesyo may nakaaway raw ito sa bar at binato ng baso ang isang waiter kaya sapilitang inilabas raw ito ng bar?

Sabi ni Chariz, wala raw siyang binatong baso sa waiter pero totoo raw may nakaaway siya sa naturang bar pero hindi bayolenteng away ang nangyari sa kanila ng non-showbiz boyfriend.

Nangyari raw yun sa Excess Bar, kung saan may dinaluhan siyang party ng kaibigan  Nasa VIP room daw sila kaya kung nakipag-away man siya sa boyfriend ay di raw yun makikita ng ibang customer.

Ang nangyari ay sinundo raw siya ng boyfriend pero ayaw pa niyang umalis dahil party yun ng kaibigan niya.

Nagtalo raw sila at hindi sinasadyang nahawi raw niya ang ice bucket na nadamay ang ilang baso at hindi raw niya ibinato.

Lalong hindi rin raw totoo pinaalis siya sa naturang bar dahil siya raw mismo ang umalis at kilala niya ang ang mga staff and bouncer ng bar.

At that time raw ay nag-break na sila ng non-showbiz boyfriend na apat na taon din ang itinagal ng kanilang pagmamahalan.

Samantalang may nagparating sa amin na nagkausap na raw muli ang dalawa pero hindi naman naklaro kung nagkaayos na uli ang dalawa o tuluyang nang nagkahiwalay? Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply