North Metro Manila, Bulacan walang tubig sa Lunes

MAWAWALAN ng suplay ng tubig ang ilang parte ng northern Metro Manila at Bulacan sa Lunes sanhi ng pagpapataas ng ‘pipe network’ ng water concessionaire na Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sinabi ng Maynilad na papaliitan nila ang butterfly valve sa kanto ng Gen. Luis Street, Buenamar Ave. at Gen. Luis Street sa kanto ng Damong Maliit Street sa Novaliches, Quezon City.

“The service improvement project will take place on March 28, from 9 p.m. to 6 a.m. of March 29 and interrupt water services in Barangays Pasong Putik, Sta. Monica, Gulod, Novaliches Proper, Nagkaisang Nayon, and Capri sa Novaliches;  buong Valenzuela; Barangays Llano and Kaybiga in Caloocan; and Obando and Meycauayan Bulacan,” pahayag sa isang advisory nila kahapon.

Sinabi ni Maynilad corporate communications head Cherubim Mojica na ang pagpapalit ng valve ay magreresulta ng pagtaas ng water pressure sa ilang parte ng Quezon City at makatutulong sa efficient management ng tubig sa West zone.

Dahil dito, pinapayuhan ng naturang water concessionaire ang kanilang mga kliyente na mawawalan ng suplay ng tubig sa LUnes na mag-imbak na ng tubig. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply