Northern Mindanao posibleng tamaan ng malakas na lindol, tsunami

CAGAYAN DE ORO CITY — Hindi makakaligtas sa malakas na lindol at posibleng tsunami ang mga coastal areas ng Northern Mindanao kasama na ang Misamis Oriental at ang siyudad na ito sakaling gumalaw ang fault line sa ilalim ng karagatan sa pagitan ng Camiguin at Bohol.

Ayon kay Regional Director Carmelito Lupo ng Office of Civil Defense-X (OCD-10), maraming mapipinsala dito sa syudad at sa probinsya sakaling gumalaw ang Tagoloan Fault Line sa lungsod ng Tagoloan, Misamis Oriental.

Pinayuhan ni Lupo ang mga lokal na residente na laging maging handa dahil walang katiyakan kung kailan darating ang kalamidad.

Sinabi ni Lupo na ayaw na niyang mangyari muli ang nangyari noong gabi ng Agosto  17, 1976 ng biglang nagka lindol at nagka tsunami sa Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte na kumitil sa buhay ng mahigit sa 8,000.

Ang tsunami noong 1976 ay nagmula sa Illana Bay sa Zamboanga at umabot ito sa halos limang metro ang taas pagtama sa kalupaan.

Iyon ang idinulot ng 6.7 na magnitude na lindol na ang epicenter ay nasa Celebes Sea sa pagitan ng Mindanao at Borneo.

Ang 1976 lindol at tsunami na kilala rin sa tawag na Moro Earthquake and Tsunami ay nakasugat din sa mahigit 10,000 katao at sinira ang kabahayan ng 90,000 katao kayat tinagurian itong isa sa pinaka-mapaminsalang kalamidad na tumama sa Mindanao sa 20th century.

Hinikayat naman ni Vice Mayor Caesar Ian Acenas ang City Hall na ihanda na nito ang disaster readiness program para sa anumang sakuna gaya ng lindol at tsunami na mangyayari sa syudad.

“Natural disasters cannot be prevented but we can prevent the loss of lives,” sabi niya.

Ayon kay Rey Macaspac, analyst ng PhiVolcs dito na wala pa naman silang namonitor na pag-galaw sa Tagoloan Fault Line. Albus D. Estabas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply