NPAs na nang-ambush sa 3 SOCO sinampahan na ng kaso

CAGAYAN DE ORO CITY — Pormal nang nagsampa ng mga kasong multiple murder, frustrated murder, robbery with homicide at intimidation ang regional command ng kapulisan sa Northern Mindanao laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) tumambang at pumatay sa tatlong operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) noong Marso 6.

Sinabi ni Chief Inspector Regina E. Abanales, tagapagsalita ng Police Regional Office-X (PRO-10) na sinampahan na noong Biyernes, Marso 11, ng mga kaukulang kaso sina James Obsid, Mary Ann Nagaret, Lando Mangganahan at Armando Daluniag na positibong kinilala ng mga witnesses na siyang tumambang at pumatay kina PO3 Joumar Cahig, PO1 Ronel Bayta, PO1 Jaime Napil at isang sibilyan na nakilala lamang sa pangalang “Dangop” noong Marso 6 sa Barangay Mapayag, syudad ng Malaybalay, lalawigan ng Bukidnon.

Ayon kay Abanales, kasalukuyan pang tinutugis ang iba pang kasama sa pananambang ng lubha ring nakasugat kina PO3 Glenn Pamisa, PO3 Zandrex Llido, PO1 Xerxes Bon Palasol at PO1 Angelo
Linaban.

Sina Obsid at Nagaret ay kasalukuyang nakakulong sa piitan ng Malaybalay.

Ayon kay PRO-10 director Chief Superintendent Conrado E. Laza, ang ginawang pananambang ng mga NPA sa mga operatiba ng SOCO ay isang “karuwagan” dahil hindi naman combatant ang mga SOCO.

Inatasan din ni Laza si Superintendent Cristito Rey Gonzalodo, bagong talagang hepe ng kapulisan sa Bukidnon, na tapusin na ang mga karahasang ginagawa ng mga NPA sa probinsya. Albus D. Estabas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply