NPTC NLEX Road Warriors aabangan sa PBA D-League

ANG bagong koponan na inaasahang ipagbubunyi ng basketball fans sa bagong tatag na PBA D-League na magsisimula sa Marso 12 sa The Arena, San Juan City ay makikilala bilang NPTC NLEX Road Warriors.

Sa inisyal na ulat, 15 kabataang manlalaro sa collegiate teams ang kakatawan sa Road Warriors, ang pinakahuling koponan ni sportsman at businessman na si Manny D. Pangilinan.

Si Pangilinan din ang tagapangulo ng Metropacific Tollways Corp.

Inaasahang aangkop ang paglahok ng Road Warriors sa pagpapasigla sa sports sa larangan ng basketball sa bansa.

Ang Road Warriors ay gagabayan ni Boyet Fernandez bilang head coach katuwang sina Adonis Tierra, Gino Manuel at Raymund Celis.

Kabibilangan ang team ng mga collegiate team stand-out players. Si Eric Salamat ng multi-titled Ateneo Blue Eagles ang napipisil na tumayong team captain ng nasabing koponan. Radito Torres

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply