Nuclear meltdown sa Japan malabo

WALA umano dapat na ikabahala ang mga mamamayan sa Japan sa pagsabog ng Fukushima 1 nuclear plant makaraang salatain ng tsunami kamakalawa.

Ayon kay government spokesman Yukio Edano, bagama’t nawasak ang pader at bubong ng isa sa apat na gusali ng nuclear plant, hindi naman daw nadamay ang steel container na nagbibigay proteksyon sa nuclear reactor.

Pinawi rin ng gobyerno ng Japan ang takot ng mga residente roon sa pagkakaroon ng nuclear meltdown kapag hindi naagapan ang cooling system nito matapos ianunsyo ng mga opisyal na bumagsak ang cooling system ng second reactor na posible ring magdulot ng isa pang pagsabog.

Kahapon ay apat sa tauhan ng Tokyo Electric Power ang nasugatan matapos sumabog ang nuclear plant 6 ng gabi.

Patuloy naman ang rescue at relief operation sa Japan kasunod ng tsunami dala ng magnitude 8.9 na lindol, kung saan mahigit 1,000 na ang naitatalang namatay.  Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply