Nuclear plant sa Japan tumataas ang radiation level: 3,000 mamamayan inilikas

PINALIKAS na ang mahigit 3,000 mamamayan sa paligid ng Fukushima-Daiichi nuclear plant bunsod ng pagtaas ng porsiyento ng radiation level nito makaraang manalasa ang magnitude 8.9 na lindol sa Japan.

Nabatid na pinalikas ni Japanese Prime Minister Naoto Kan ang mga mamamayan matapos mabatid na dumoble ng 1,000 porsiyento ang radiation level sa nasabing planta.

Taliwas sa nasabing report, tiniyak naman ng nuclear officials ng Japan na sa ngayon ay wala pang dapat ipangamba.

Iniulat na maraming nuclear plants ang nasira ng tsunami dahilan upang mag-shutdown ang mga ito.

Sanhi nito, malaking porsiyento pa ng kapan ang walang supply ng kuryente na sinabayan pa ng malamig na panahon sa naturang bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply