Nuclear radiation sa Japan dumoble ng 1,000%’

NANAWAGAN na si Japanese Prime Minister Naoto Kan sa mamamayan sa Japan na kumalma kasunod ng tsunami na nanalasa sa bansa dahil sa magnitude 8.9 na lindol kung saan malaking pinsala ang iniwan.

Si Kan na magsasagawa ng survey sa mga lugar na napinsala ay pinalikas ang mahigit 3,000 mamamayan sa paligid ng Fukushima-Daiichi nuclear plant.

Ito’y matapos na domoble ng 1,000 porsiyento ang radiation level sa nasabing planta.

Subalit tiniyak ng nuclear officials ng Japan na sa ngayon ay wala pang dapat ipangamba.

Napag-alaman na maraming nuclear plants ang nasira ng tsunami dahilan upang mag-shutdown ang mga ito.

Dahil dito, walong milyon mamamayan sa Japan ang walang suplay ng koryente sa gitna ng matinding lamig. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply