Nuclear reactor sa Japan ‘sumabog’- report

NARINIG umano ang isang pagsabog sa isa sa mga nuclear reactor sa Fukushima Prefecture, Sabado  ng hapon, ayon sa Tokyo Electric Power Company.

Ayon sa ulat, lima ang nasugatan dahil sa nasabing ‘pagsabog.’

Sa salaysay ng isang  power plant operator sa isang press conferemce sa Japan ay nagkaroon ng pag-usok malapit sa pinangyarihan ng pagsabog, sa Fukushima Number One power station.

Ang nasabing utility firm ay nagre-release ng hangin sa container ng reactor para mapababa ang pressure nito.

Ang pressure sa loob ng container ay tumaas pagkatapos na masira ang reactor’s cooling system dahil sa power failure

Dahil dito, nabatid na mayroong radioactive substances malapit sa naturang reactor. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply