Nuke Plant pipiliting palamigin

IPINANGAKO ng nagpapatakbo ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant na susubukan nilang palamigin ang mga nuclear reactors ng naturang plant ngayon Huwebes ng umaga, ika-17 ng Marso.

Gagamit umano sila ng mga military helicopters para magdala ng tubig at pampalamig sa mga reactors. Magtatalaga rin sila ng mga bulldozers para maalis ang mga nakaharang sa daan patungo sa planta. Magpapadala rin ng mga bombero sa lugar upang tumulong magbomba ng tubig sa mga reactors.

Samantala, sa isang hearing sinabi ni US Nuclear Regulatory Commission head Gregory Jaczko na naniniwala siya na mataas na masyado ang radiation level sa paligid ng reactor at ito’y lubhang mapanganib.

“It would be very difficult for emergency workers to get near the reactors. The doses they could experience would potentially be lethal doses in a very short period of time.”, ayon ka Jaczko.

Ayon naman kay Japan Chief Cabinet Secretary Yukio Edano “People would not be in immediate danger if they went outside with these levels. I want people to understand this”, patungkol niya sa mga taong nakatira sa labas ng 30 kilometrong danger zone. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply