Nuke reactor nakabitan na ng power cables

NAIKABIT ng mga engineers ng Fukushima Diichi Nuclear Power Plant ang mga kable ng kuryente upang muling mapatakbo ang cooling system ng reactor no. 2.

Ilang araw na rin sinubukan ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO) na magkabit ng kable ng kuryente direkta sa main grid na may habang isang kilometro.

Ayon sa TEPCO, aabutin pa ng hanggang 15-oras para tuluyang magkaroon ng kuryente ang mga reactors.

Kinumpirma na rin ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang naturang pangyayari. Inaantay na lang ng planta na matapos ang pagbubuhos at pagbubuga ng tubig sa planta at uumpisahan na ang power restoration.

Nabatid na papunta na ang hepe ng IAEA na si Yukiya sa Tokyo para makausap ang mga Japanese official hinggil sa tunay na kalagayan sa naturang nuke plant. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply