Numero at pag-ukit

BIGYAN natin ng pansin ang ilan sa mahahalagang numerong ito.

Egypt, Yemen, Libya, Saudi Arabia, 4 sa mga bansa na may pulitikal na gulo kaya naglalayasan at nag-uuwian ang OFWs na Pilipino.

Mayroon daw 30,000 OFWs ang baka umuwi na lahat dito sa Pilipinas at maghahanap ng trabaho at pagkakakitaan. Kung dati ay 3000 mga trabahador ang nangingibang-bansa, ngayon ay nagpahayag ang mga bansang may gulo na hindi na muna tatanggap ng mga OFWs. Mahigit kumulang na 100 kumpanya ng Japan na nasa Pilipinas at may humigit-kumulang na 500 empleyado bawat isa ay nagbabantang magtanggal ng mga empleyado.  Magtataas ng P1 ang pasahe sa mga bus simula sa ngayong linggo. 212 na mga Kongressman ang bumoto para ma-impeach si Ombudsman Merceditas Gutierrez, at 16 na boto ang kailangan mula sa mga Senador, sana ang resulta ay mas magandang buhay para sa mga Pinoy.

P54 na ang halaga ng gasoline at P46 ang diesel. Bumaba ng 5 porsyento ang trust rating ni Pangulong Noynoy Aquino dahil daw sa pagbili nya ng kotseng Porsche na nagkakahalaga ng P4.5M.

Umangat daw ang numero ng mga walang trabaho sa 7.4% nitong Enero mula 7.1% na naitala noong Oktubre. Ibig sabihin ay may 2.9 milyon na jobless sa Pilipinas noong Enero mula slightly 2.8 milyon noong October. May 500,000 na estudyante daw ang ga-graduate ngayong 2011 na maghahanap din lahat ng trabaho. Sa usapin ng mga ga-graduate, naimbitahan ako sa isang graduation ceremony at ikinuwento ng isa sa mga speakers ang karpintero ng nasabing paaralan.

Ilang taon na ang lumipas, ilang graduates na ang dumaan pero nandun pa rin ang kanilang karpintero, matyaga at masigasig sa pagsisilbi sa kanilang paaralan. Ang sabi sa kwento, nakaukit na ang pangalan ng karpintero sa puso ng kanilang mga mag-aaral.

Ito ang pinakamahalagang mensahe para sa akin – na sa iyong pagsisilbi ay dapat maiukit mo ang iyong pangalan sa puso ng iyong pinagsisilbihan.  Congratulations sa graduates ng 2011, nawa ay iukit ninyo ang inyong magandang pangalan sa inyong mapipiling karera at sa inyong pagsisilbi sa Diyos, pamilya at bayan.

Mag- text po kayo sa akin sa 09209280847 o email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa usaping ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply