Nursing student niluray ng ka-chat

MAAGANG nasira ang kinabukasan ng 19-anyos na nursing student matapos lasingin muna bago pinagsamantalahan ng tsuper na ka-chat nito ng halos isang buwan sa internet sa Caloocan City.

Ang biktimang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang pormal na magsampa ng kaso ay itinago sa pangalang Katya, 19.

Naaresto naman at nakapiit na sa detention cell ng Caloocan Police Station si Jeffrey Calara, 24, driver, ng 120 Panday Pira, Bagong Barrio.

Base sa imbestigasyon ni P03 Marikaye Daquioag ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan-PNP, alas-singko ng hapon nang maganap ang insidente sa 4th Avenue Caloocan City.

Ayon sa naging salaysay ng biktima sa awtoridad, napagkasunduan umano ng suspek at ng dalaga na magkita sa Balintawak matapos ang halos isang buwan na pagkakaibigan sa pamamagitan ng internet (Yahoo messenger).

Pagdating sa Balintawak, nag-usap ang biktima at ang suspek na magtungo sa bahay ng kaibigan ng una subalit pagdating doon ay wala ang kaibigan ng dalaga na sina A-J at Kobe.

Dito na sinabi ng suspek na bago ihatid pauwi ang biktima ay samahan muna siya sa bahay ng pinsan nito sa 4th Avenue Caloocan na pinaunlakan naman ng dalaga.

Pagdating sa lugar ay nauwi sa inuman ang insidente hanggang sa malasing ang biktima at makatulog.

Pagkagising ay wala nang saplot ang dalaga at pinagsabihan pa siya ng suspek na walang kwenta.

Sa kagustuhan aniyang makauwi ay hindi na muna siya nag-eskandalo at pumayag pang mahalikan muli ng suspek saka ilang beses pa siyang sinampal bago payagang makauwi.

Nang makasakay sa taxi ay agad siyang humingi ng tulong sa awtoridad kaya nadakip si Calara. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply