Obama: Presyo ng gasolina bababa

PINANGAKO ni U.S. President Barack Obama na kanyang ipapababa ang presyo ng gasolina sa abot ng kanyang makakaya.

Isinagawa ni Obama sa TV ang pahayag bunsod ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina sa Estados Unidos.

Ayon kay Obama, pag-estabilisa ng presyo ng gasolina sa bansa ang magaging daan para muli siyang maihalhal sa taong 2012.

Sinabi ni Barack na puwede niya umanong gamitin ang oil reserves ng bansa ngunit hindi naman inihayag kung magkano ang ibababa ng presyo nito.

Ayon sa US energy department, ang isang pamilya ay gumagastos ng karagdagang $700 dolyar para sa gasolina kumpara sa nagastos nila sa nakaraang taon.

“Even if we tap every single reserve available to us, we can’t escape the fact that we only control 2 percent of the world’s oil, but we consume over a quarter of the world’s oil,” pahayag ni Obama.

Samantala, sinisisi ang presidente ng mga republicans dahil walo umano itong ginagawa para mapalaki ang domestic oil production at hindi laging nakadepende sa mga bansang inaangkatan nila ng produktong gasolina.

“While the Obama administration claims to be committed to American energy production, the facts and its own actions say otherwise,” ito ay ayon kay Republican House of Repesentatives Speaker John Boehner.Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply