Obrero binistay ng bala patay, tanod nadamay

PINASLANG ng armadonng magkaangkas sa motorsiklo ang isang obrero, habang sugatan ang isang barangay tanod nang mahagip din ng bala sa Parañaque kagabi, Sabado, Marso 5.

Hindi na umabot nang buhay sa Our Lady of Peace Hospital si Jerry Rios, ng Tramo 2, Barangay San Dionisio, matapos matadtad ng bala ng kalibre .45 habang patuloy pang ginagamot sa Olivares General Hospital ang barangay tanod na si Renerio Tantiado, 43.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni Chief Insp. Reynaldo Marcella, Jr., hepe ng Police Community Precinct (PCP) 7 ng Parañaque police, magkatabing nakatayo at nag-uusap ang dalawa sa Sabak, Tramo 1 sa Barangay San Dionisio dakong 6:30 p.m. nang biglang huminto sa kanilang harapan ang isang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang suspek.

Kaagad umanong bumunot ng dalang baril ang mga suspek at pinaulanan kaagad ng bala ang dalawa bago tumakas patungo sa hindi nabatid na direksiyon.

May hinala ang pulisya na target ng mga salarin si Rios dahil sa dami ng tama ng bala sa kanyang katawan habang nadamay lamang ang katabi niyang barangay tanod na nahagip din ng bala.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng pamamaslang ang pitong piraso ng basyo ng kalibre. 45 habang inaalam pa ng mga imbestigador ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Paranaque police ang motibo sa nangyaring pamamaslang. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply