Obrero tigok sa tarak ng pinsan

LUWA ang bituka ng isang obrero makaraang saksakin ng kanyang pinsan nang sitahin sa ingay habang nag-iinuman sa Pasay City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Darvie Miranda, 29, ng 2180 P. Dandan St., nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Desalisa ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang tiyuhin sa harap ng kanilang bahay nang sitahin ng suspek na si Arnold Malate, alyas ‘Balweg’ dahil sa ingay.

Dito na nagkaroon ng diskusyon sa pagitan ng suspek at biktima na nauwi sa pananaksak.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero idineklara ring patay matapos ang ilang oras. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply