Occidental Mindoro niyanig ng 5.1 lindol

NIYANIG ng 5.1 magnitude na lindol ang Lubang Occidental Mindoro kaninang madaling-araw, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong 3:06 ng madaling-araw kanina, Marso 11 nang yanigin ng lindol ang naturang lugar.

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol sa may 15 kilometro timog ng Looc, Lubang Island, may lalim na 101 kilometro nang gumalaw ang Manila trench at ang origin ng lindol ay tectonic.

Ayon sa ulat, naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 2 sa Batangas City at inaasahan din ng Phivolcs ang pagkakaroon ng  aftershocks.

Wala namang naiulat na nasugatan o napinsalang ari-arian sa nasabing lindol. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply