Ochoa walang dapat ipaliwanag sa P40M mansion

ITINANGGI ng Malakanyang ang napaulat na pag-aari ni Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa ang dalawang palapag na bahay na nagkakahalaga ng P40-milyon sa White Plains, Quezon City.

Sa panayam kahapon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala umano silang nakikitang dahilan pa upang magpaliwanag sa publiko ang Punong Kalihim dahil mali naman ang ulat na kay Ochoa ang naturang properties.

Ani Lacierda, dahil hindi naman si Ochoa ang nagmamay-ari ng kontrobersyal na “The Glass Mansion” ay walang dahilan para makita ito sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sa isang ulat, binatikos ng mga kritiko ng Executive Secretary ang hindi pagkakasama sa SALN nito ng naturang mansyon sa panahon na umugong na posible umanong palitan ito sa puwesto na mabilis naman na itinanggi noon ni Pangulong Benigno Aquino, III.

Ang two-storey na bahay na gawa sa salamin at bato ay nakatala na pag-aari ng kompanyang Hedgerow Retain Holdings Incorporated (HRHI) base sa dokumento sa Securities and Exchange Commission (SEC) kung saan kasama bilang incorporators ng naturang kompanya ang kapatid ni Ochoa na si Ma. Theresa Acuzar.

“It was registered in the name of a holding company. It means that it is not owned by Executive Secretary Ochoa,” depensa ni Lacierda.

Magugunita, na ipinalutang na ng ilang kampo na kabahagi sa pangangampanya ng Team Aquino-Roxas ang kontrobersyal na mansyon na pag-aari umano ni Ochoa na kabilang naman sa ibang grupo na nag-taguyod sa kandidatura noon ng Pangulong Aquino. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply