OFW crisis centers sa Japan dapat pagtuunan ni PNoy

INUDYUKAN ni Cebu Rep. Luigi Quisumbing ang administrasyong Aquino na dapat ay agad magtayo ng crisis centers sa Japan para may matatakbuhan ang mga Pilipino na naapektuhan ng lindol at tsunami kahapon, Biyernes, Marso 11.

Ayon sa kongresista, dapat nang kumilos ang Department of Foreign Affairs (DFA) para tulungan ang overseas Filipino workers (OFWs) na sinalanta sa Japan.

Kasabay nito ay inalerto ni Quisumbing ang lahat ng disaster management agencies at organisasyon na patuloy na magmatyag at huwag maging kampante sa gitna ng mga trahedyang nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Our disaster management bodies need to be vigilant and ready to meet calamities. With these recent natural disasters, we cannot take for granted the value of preparedness.” ayon sa kongresista.

Bilang paunang hakbang ay nagsagawa ng agarang seminars ang tanggapan ni Quisumbing sa tulong ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng malapit sa dagat upang magkaroon ng kaalaman sa mga kalamidad at kung ano ang pwedeng maidulot nito sa buhay ng tao.

Nauna rito ay naghain si Quisumbing ng House Resolution 563 na ang layunin ay agad matugunan ang disaster risk reduction at management problems dulot ng climate change. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply