OFWs di papayagang magtrabaho sa Bahrain

NAGPATUPAD na ng partial deployment ban ang Department of Labor and Employment (Dole) sa bansang Bahrain kasunod ng lumalalang kaguluhan doon.

Sa isang memorandum na may petsang Marso 16, 2011, ipinag-utos ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang pagpapaliban sa pagpapadala at pagproseso ng mga dokumento ng mga manggagawa na bagong recruit patungo sa Bahrain.

Ang kautusan ay inilabas kasunod na rin ng travel advisory na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa pagtungo sa Bahrain na dumaranas ngayon ng krisis pulitikal.

Nilinaw naman ni Baldoz na hindi sakop ng kautusan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na pinayagang makabiyahe pabalik sa naturang bansa.

Gayunman, ito ay sa kondisyon na lalagda sila sa isang affidavit na batid nila ang banta ng seguridad sa nasabing bansa.

Matatandaang kasunod ng matinding kaguluhan sa Libya ay nagpatupad ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng pansamantalang deployment ban laban sa nasabing bansa.  Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply