OFWs mula Libya, Egypt sa Japan naman hahataw

MULING hahataw ang mga inilikas na mga overseas Filipino worker (OFW) na nagbalik ng bansa mula sa Libya at Egypt dahil sa naghihintay na pagkukumpuni ng mga konstruksyon sa mga gusali na sinalanta ng malakas na lindol at tsunami sa Japan.

Batay sa pagtataya ng Department of Labor and Employment (DOLE), mangangailangan ng mga manggagawa ang Japanese government para makumpuni ang mga nasirang imprastraktura sa mga lugar na nasalanta ng tsunami.

Kabilang dito ang mga lalawigan ng Aichi, Ehime, Fukui, Fukuoka, Gifu, Hiroshima, Hyogo, Ishikawa, Kagawa, Kagoshima, Kochi, Kumamoto, Kyoto, Mie, Miyazaki, Nagasaki, Nara, Oita, Okayama, Osaka, Saga, Shiga, Shimane, Tokushima, Tottori, Toyama, Wakayama at Yamaguchi.

Sa pagtataya ni DOLE 3 Regional Director Leopoldo de Jesus, libu-libong manggagawa ang inaasahang kukunin ng Japan at pangunahin na rito ang mga Pinoy na kilala sa pagiging masipag at matiyaga sa mabibigat na gawain.

Hiniling naman ng pamunuan ng DOLE sa mga OFW na makipag-ugnayan sa naturang ahensya upang mabatid kung kalian magkakaroon ng pagkakataon para sa deployment ng mga construction workers sakaling kailanganin ng Japanese government ang mga manggagawa.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang kumpirmadong nasaktan o namatay na Pilipino sa nangyaring trahedya.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Ed Malaya, may 4,500 Pilipino na nagtatrabaho sa sentro ng lindol.

Samantala, mayroong namang 1,039 na OFW sa Miyadi Prefecture, na pinakamalubhang napinsala ng lindol at tsunami. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply