OFWs na nakabalik ng Pilipinas 628 na

AYON sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) umabot na sa 628 ang overseas Filipino workers (OFWs) na nakauwi sa bansa mula sa Libya.

Sa talaan ng OWWA Action Center, pinakahuli rito ang 51 OFWs na dumating sa bansa Lunes ng umaga.

Samantala, pumalaot na ang barkong sumundo sa isa pang batch ng OFWs mula sa Benghazi patungong Greece kung saan sasakay ng eroplano ang nasabing Pinoy workers para makabalik sa Pilipinas. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply