OFWs sa Bahrain maghanda na– DFA

DAHIL sa lumalalang sitwasyon ngayon sa Bahrain itinaas na Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 2 ang  Bahrain.

Mula sa mula sa level 1 nasa level 2 na ang Bahrain bunga ng sumisidhing labanan sa panig ng raliyista at mga sundalo doonna ipinadala ng Saudi Arabia at United Arab Emirates dahil na rin sa hiling ng hari ng
Bahrain nas is Hamad Bin Isa Al Khalifa upang matigil ang malawakang kilos-protesta upang mapatalsik ang monarkiya.

Ang alert level 2 ay nangangahulugang pinag-iingat ang lahat ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa lugar upang huwag na silang madamay sa anumang kaguluhan.

Ipinapayo ni Foreign Affairs  Undersecretary Rafael Seguis, na boluntaryong lumikas na lamang ang may  31,000 OFWs sa Bahrain upang huwag ng maipit ang mga ito sakaling mas lumala pa  ang mga  kaguluhan.

Ayon din kay Segus wala pang pangangailangan na iakyat sa level 3 ang alerto. Ibig sabihin ng alert level 3 ay pinapalika na ang mga Filipino sa naturang lugar.

Tiniyak naman ng Undersecretary na nakahanda ang embahada ng Pilipinas sa lugar sakaling kailangan ng ilikas ang mga Pinoy doon.

Samantala, hinimok din ng DFA ang mga OFW na mag-imbak ng tubig at pagkain na tatagal ng dalawang linggo, kasama na rito ang mga gamot, flashlight, kandila, cell phones at radio.

Pinaalalahanan din ni Seguis ang OFWs na ihanda ang kanilang mga importanteng dokumento gaya ng passport at drivers license. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply