OFWs sa Myanmar ligtas– DFA

LIGTAS ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Myanmar, na tinamaan ng magnitude 6.8 na lindol Huwebes, Marso 24, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagpadala ng report ang embahada ng Pilipinas sa Myanmar sa DFA na nagsasabing walang Pinoy na naiulat na nasugatan o namatay sa naturang lindol sa northeastern region ng Myanmar.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang lindol ay tumama sa Thailand border. Naiulat rin na maraming kalsada ang sarado dahil sa mga gumuhong gusali.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga Pinoy doon, ayon kay Philippine Ambassador to Myanmar Helen Barber.

Mayroong 340 OFW sa Myanmar, base sa datos ng DFA. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply