Oil deregulation law amyendahan o ibasura na

DAPAT nang maghanda si Juan sa krisis sa suplay at presyo ng langis.

Ang tanong ngayon: mauulit ba ang malaking kakulangan ng suplay ng langis noong 1973-74 ngayong nagkakaroon ng kaguluhan sa ilang bansang Arabo na may mga produksyon sa langis?

Noong 1973-74, nagdeklara ang Organization of Petroleum Exporting Countries ng oil embargo laban kay Uncle Sam sa pagsuporta nito sa Israel sa madugong giyeran ito sa Yom Kippur laban sa mga bansang Arabo kaya nagka-krisis sa langis.

Mga pipol pawer at sibil war naman ang nagaganap sa ilang bansang Arabo at dis taym, ang krisis sa langis ay maaaring bunga ng paghinto o pagliit ng produksyon.

Yang krisis sa presyo naman ay bunga ng panloloko ng mga oil trader at mga kompanya ng langis.

May giyera man o wala, itong mga trader at kompanya ay nagsasabwatan para itaas ang presyo pero ngayon ay idinadahilan ang mga pipol pawer at sibil war.

oOo

Ano-ano na ang nasa isipan ng mga onorabol sa palatandaan ng krisis, lalo na sa presyo?

Alalahanin na maya’t maya ay nagtataas na ng presyo ang mga kompanya ng langis sa repablik ni Juan.

Tiyak namang napapatungan na ng bagong presyo ang mga lumang presyo.

Wataymen, ang suplay ng langis na hindi pa nauubos ay tiyak nang pinepresyuhan na batay sa presyong sibil war at pipol pawer.

Mungkahi natin, dapat ikiskis ng mga onorabol ang kanilang yagbols sa mga kompanya ng langis upang mapigilan ang mga ito na mandaya sa presyo.

Maganda na ring amyendahan o ganap nang ibasura ang oil deregulation law na ginagamit ng mga salot na kompanya para higit silang magtaas kaysa magbaba ng presyo.- Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply