Oil importer kinasuhan ng smuggling sa DoJ

SINAMPAHAN ng kasong smuggling ng Bureau of Customs  sa Department of Justice ang isang opisyal ng kompanyang nag-iimport ng langis.

Kinilala ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang kinasuhan na si Rosario Tolentino Mamaril, Reports and Compliance Officer ng Filpride Resources Inc. na may tanggapan sa Subic Freeport Zone sa Olongapo City.

Isinama rin sa charge sheet ang ilang John at Jane Does na kinabibilangan ng ilang customs employees na umano’y nagpahintulot sa Filpride para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Nabatid ng BoC na umangkat ang FILPRIDE ng mahigit 100 bariles ng krudo mula sa Thailand noong Nobyembre 11, 2010 na nagkakahalaga ng mahigit P408M pero nadiskubre na nagbayad lang ito ng P76M na halaga ng VAT para sa 80,300 bariles ng krudo.

Sinabi ni Customs Deputy Commissioner Gregorio Chavez na underpaid ang FILPRIDE ng halos P7M o kabuuang P6,915,755 buwis para sa 22,500 bariles ng krudo na nagkakahalaga ng mahigit P57 milyon na hindi nito idineklara.

Dahil doon, bukod sa mahigit P6M underpaid na VAT ng FILPRIDE, pinagbabayad din ng BOC ang kompanya ng P408,855,827 na kabuuang halaga ng inangkat nilang krudo dahil iyon umano ay dapat nakumpiska pabor sa gobyerno.

Ibinunyag ni Alvarez na modus operandi ng FILPRIDE na hatiin sa lima ang kanilang shipment pero ang babayaran lang nilang VAT ay para sa apat na parcel lang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply