Oil price hike kinondena

KINONDENA ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang panibagong pagtataas sa halaga ng produktong petrolyo na umaabot sa P1.00 kada litro.

Sinabi ni Goerge San Mateo, secretary General ng Piston, hindi na katanggap-tanggap pa ang panibagong oil price hike dahilan sa ikalawang beses na itong nangyari ngayong linggong ito.

Kaugnay nito,mariing binatikos ni San Mateo ang pamahalaan partikular ang Malakanyang at Department of Energy dahilan sa aniya’y kawalang pagkilos ng mga ito na mapigilan ang walang humpay na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo.

Hindi dapat idahilan ang pagtaas ng halaga ng produkto sa kaguluhan sa Libya dahil mayroon namang ibang bansa na pinagkukunan ng langis ang Pilipinas para hindi kulangin sa suplay.

Una nang dinahilan ng ilang oil companies na nagtaas sila ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa gulo sa Libya, isa sa oil producing company sa buong mundo. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply