Oil price hike di mapipigilan– DOE

HINDI mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo hangga’t hindi natatapos ang mga kaguluhang nagaganap sa ilang bansa sa Gitnang Silangan at North Africa.

Ito ang inamin ni Secretary Jose Rene Almendras ng Department of Energy (DOE). Sinabi din ni Almendras na hangga’t may kaguluhan sa mga nasabing lugar ay patuloy na maaapektuhan ang presyo ng petrolyo.

Aniya, tumataas ang demand sa oil products kaya tumataas din ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan na siya namang nakaaapekto sa presyo nito sa bansa.

Hinihiling na lamang ng kalihim na sana ay matapos na ang mga kaguluhan sa mga nasabing lugar na pinagkukunan din ng langis ng iba’t ibang bansa sa mundo upang hindi maapektuhan ng labis ang presyo ng produktong petrolyo. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply