Old churches sa bansa sinusuri kung handa sa malakas na lindol

NAIS matiyak ng Simbahang Katoliko na handa ang matatandang simbahan sa Pilipinas  sakaling magkaroon ng malakas na lindol sa bansa.

Ito ay bunsod na rin ng sunud-sunod na lindol na tumatama sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang na ang mga killer quakes na naganap sa New Zealand at Japan.

Dahil dito, pinag-aaralan na ng Manila Archdiocese kung gaano katibay ang mga istruktura ng matatandang simbahan sa bansa tulad ng Manila Cathedral sa Intramuros at ang Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa Quiapo.

Ayon kay Monsignor Jose Clemente Ignacio, rector ng Quiapo Church, nais nilang matiyak na ligtas ang mga mananampalatayang Katoliko na nagtutungo sa simbahan, sa pamamagitan nang pagtaya sa quake-resistance ng mga simbahan.

Ani Ignacio, nakikipag-ugnayan na rin ang Quiapo Church sa iba pang eksperto sa arkitektura upang matiyak na ayos ang lagay ng nasabing simbahan kahit na mayroong sariling civil engineer ang parokya na nagmo-monitor at nagme-maintain dito.

Dagdag pa ni  Ignacio, nais nyang pagtuunan ng pansin ang harapang bahagi ng simbahan na itinayo pa noong 187th century.

Ipabubusisi rin aniya ang ang iba pang bahagi ng Quiapo tulad ng altar, na ginawa naman noong huling bahagi pa ng taong 1933.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin sa naturang simbahan ang National Historical Commission, na siyang may mandato para sa restorasyon at pagpapanatili sa mga istruktura sa bansa na may historical value.

Tiniyak naman ni Ignacio na maayos ang istruktura ng Quiapo Church batay sa physical check na isinagawa dito.

“So far the structure of Quiapo Church is okay (as a result of a recent) physical check up,” ayon sa monsignor.  Kyle Gatus

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply