Oledan wagi sa cycling sa Zamba Multi Sports Fest

SUMIKAD si Tots Oledan ng dalawang oras at 57 segundo para maungusan ang mga beteranong siklista sa pagsisimula ng tatlong-araw na Zamba Multi-Sports Festival sa Candelaria, Zambales.

Umarangkada ang 22-anyos na tubong Carigara, Leyte sa huling 25 kilometro para maungusan ang 2009 Tour of Luzon title holder na si Mark Guevara at ang beteranong mamamadyak na si Oscar Rendole.

Ang 80-kataong pulutong ay tumahak sa 120-kilometrong lakbayin mula sa Kapitolyo ng Iba hanggan sa Sta. Cruz bago bumwelta sa starting point.

Naungusan ni Oledan ang kinikilalang mountain climbing specialist na si Baler Ravina sa bayan ng Masinloc.

Dumating na pang-apat si Ravina sa itinalang tiyempo na 2:58:00 kasabay nina Nicardo Duangzon, Sherwin Diamsai, Eric Obosa, Eusebio Quiñones, Thomas Ramos at Padyak Pinoy winner Joel Calderon.

Nagpahayag ng kasiyahan si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Jr. sa resulta ng karera at partisipasyon ng mga kababayan at mga turista dahil naniniwala siyang itatanghal nito ang Zambales na isang lugar ng sports at turismo sa bansa dahil sa magagandang tanawin ng lalawigan. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply