Ombudsman dismayado kay PNoy

DISMAYADO si Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil mismong si Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang nag-utos sa mga kaalyado nito sa Kongreso na suportahan ang impeachment complaint laban sa kanya.

“I am saddened by the turn of events as the president himself has ordered his allies at the House of Representatives to impeach me,” ayon kay Gutierrez sa isang forum na inorganisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),  at idinaos sa Intramuros, Maynila, nitong Martes ng umaga.

“It has confirmed our worst fears that the proceedings at the (lower) House has degenerated into a partisan political exercise,” ayon pa sa Ombudsman.

Kasabay nito, kinuwestiyon ni Gutierrez kung may awtoridad ba si PNoy na atasan ang mga kaalyado na pausarin ang impeachment laban sa pinuno ng isang independent constitutional body, tulad ng Office of the Ombudsman, tulad din aniya ng kawalan nito ng kapangyarihan na isulong ang impeachment sa mga mahistrado ng Korte Suprema, na kabilang sa sangay ng hudikatura.

Binatikos din ng Ombudsman ang pagmamadali ng House justice panel sa impeachment proceedings laban sa kanya, gayung wala pang ipinalalabas na pinal na desisyon ang Supreme Court, kung dapat pang dinggin ng panel ang mga reklamo.

Sa halip na dumalo sa final clarificatory hearing ng House justice committee kanina, sa forum ng CBCP dumalo ang Ombudsman.

Nakatakda sanang magpaliwanag si Gutierrez sa naturang hearing, hinggil sa dalawang impeachment complaint na isinampa laban sa kaniya, ngunit hindi ito dumalo sa pagdinig.

Maging ang mga abogado niya na dumalo sa unang clarificatory hearing noong nakaraang linggo ay hindi rin nagpakita sa pagdinig.

Tumanggi rin si Gutierrez na magbigay sa house panel ng mga dokumento na hinihingi ng mga ito mula sa kanya, dahil ‘confidential’ aniya ang naturang mga rekord. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply