Operasyon ng loterya nirerebisa

ISINAILALIM sa masusing pagrerebisa ang kasalukuyang mga aplikasyon ng mga korporasyon ng gaming operators bago ang paglulunsad ng Loterya ng Bayan.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO) chair Margie Juico kabilang ang 16 gaming corporations ang nagpahayag ng intension na lumahok sa pinahuling proyekto ng PCSO.

Inasahan ng PCSO na makadaragdag sa pondong pangkawanggawa sa mga nangangailangang dahop na mamamayan sa bansa ang malilikom na pondo sa loterya ng bayan sa paniniyak ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II.

Sa ilalim ng LNB bubuo ng PCSO ng komite na magrerebisa sa mga aplikasyon para matiyak na tanging mga korporasyon na walang kaugnayan sa ilegal na sugal ang makakauha ng permiso at awtoridad na makapag-operate kasabay ng babala na mahaharap sa kanselasyon ng permiso ang mapatutunayang lalabag sa panuntunan. Radito Torres

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply