OPSF ni Marcos dapat rebyuhin – JV Ejercito

IPINANUKALA ng isang kongresista na pag-aralan kung makabubuti sa bansa ang pagbabalik ng isang programa ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos na naglalayong maiwasan ang krisis sa langis, tulad nang dinaranas ng bansa ngayon.

“To avoid this kind of chaotic situation, the government should anticipate the need to review the OPSF,” ayon kay San Juan City Rep. Joseph Victor “JV” Ejercito.

Ang OPSF o Oil Price Stabilization Fund ay isang programa ng administrasyong Marcos kung saan may nakareserbang pondong magagamit sakaling tumaas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Sa ganitong paraan ay hindi gagalaw ang presyo ng mga lokal na produktong petrolyo, kahit tumaas man o bumaba ito sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay Ejercito, nagkakagulo ang maraming sektor sa bansa sa ngayon, partikular ang pangtransportasyon, dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga nasabing produkto mula sa mga bansang pinagkukunan nito.

“The prices of oil will unbearably go up in the next few days that public utility operators shall again hurl libelous invectives to oil retailers and surely mount into strikes to the inconvenience of the general public,” ayon sa mambabatas.

Isinisi niya ito sa oil deregulation law na kasalukuyang umiiral.

Aniya, ang nasabing batas ang nagbibigay sa mga kumpanya ng langis tulad ng Shell, Petron at Chevron ng karapatang magdetermina ng kanilang presyo.

Kadalasan, ani Ejercito, ay namamanipula ng mga nasabing kumpanya ang presyo ng kanilang mga produkto upang kumita ng malaki.

Inudyukan ni Ejercito ang administrasyong Aquino na ngayon pa lamang ay ilatag na ang mga pamamaraan o solusyong pangmatagalan upang hindi mangarag ang gobyerno sa pagharap sa nasabing krisis.

Tinutulan din ni Ejercito ang pagsusulong na pagrarasyon ng gasolina dahil hindi umano ito ang tugon sa napipintong problema.

Simula nang magkagulo kamakailan ang ilang bansa sa Gitnang Silangan, kabilang ang Saudi Arabia na pangunahing pinanggagalingan ng langis ng bansa, ay naging sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply