Orcollo sasargo PH Open Pool

ISA sa tinitingalang bilyarista ngayon sa mundo ay si Dennis “Robocop” Orcollo dahil siya ang tinaguriang “Money Game King” at world no. 2 player sa WPA ranking.

Maging sa international pool competition ay iniilagan rin siyang makaharap agad dahil sa tikas nito sa tumbukan.

Nakopo ni Orcollo ang WPA World 8-Ball Championship, matapos talunin sa finals si Neils Feijen, 10-3, ng the Netherlands na ginanap sa Fujairah Exhibition Center in Fujairah, United Arab Emirates noong Pebrero 26, 2011.

Sa darating na Abril 7 ay muling makikitang tutumbok si 2010 Philippine Sportswriters Association, (PSA) Athlete of the Year Orcollo sa gaganaping Philippine Open 10-Ball Pool Championships na gagawin sa SM Megamall.

Ang nasabing kompetisyon ay may nakalaang $170,000 kabuuang premyo kung saan ay maghaharap-harap ang mga pinakamahuhusay na kalalakihan at kababaihang bilyarista sa buong mundo.

Makakalaban ni Orcollo ang defending champion na si Ricky Yang ng Indonesia at ibang world champions tulad nina Ralf Souquet, Thorsten Hohmann ng Germany at Darren Appleton ng Great Britain.

Sa distaff side pangungunahan ng bagong world 10-ball champion, Jasmin Ouschan ng Austria kasama sina world No. 1 Ga Young Kim ng Korea, No. 2 Allison Fisher ng Great Britain, No. 5 Kelly Fisher ng Great Britain at Filipina teenage sensation Gillian Go.

Aabot sa 64 manlalaro ang papasok sa main draw sa men’s division habang 32 naman sa kababaihan na sasailalim sa double-elimination round at ang apat na lalabas na manlalaro ay maglalalban naman sa crossover semifinals.

Susungkitin ng magkakampeon sa kalalakihan ang $30,000 habang $20,000 naman ang pabuyang makakamit ng magdodomina sa kababaihan. Elech Dawa

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply