Orcullo handa na sa PHL open pool

MAKIKIPAGTUOS si world 8-Ball champion Dennis Orcullo sa mga magagaling sa buong mundo sa Abril 7 hanggang 11.

Ayon kay Orcullo, handa na siya sa bakbakan sa Philippine Open Pool Championship na gaganapin sa SM Megamall.

Una nang nakuha ni Orcullo ang kauna-unahan niyang world crown sa dalawang linggong pagsabak niya sa Fujairah, United Arab Emirates.

Nakatiyak na rin siya ng spot sa 64-player field main draw para sa mga kalalakihang cue artists.

Sa Philippine Open, pawang mga world champions at dating No.1 male players ang sasabak kaya tiyak na magiging mabagsik ang labanan.

Makakalaban niya sina double world titlist Ralf Souquet ng Germany, former World Ten Ball champion Darren Appleton ng Great Britain, former World 9-Ball champ Thorsten Hohmann ng Germany, at defending Philippine Open champion Ricky Yang ng Indonesia. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply