Overall crown sa UAAP sinikwat ng UST

IBINUHOS na ng De La Salle University ang lahat para makuha ang overall championship title mula sa University of Santo Tomas.

Gayunman, nasungkit pa rin ng Tigers ang general championship crown sa katatapos na University Athletic Association of the Philippines Season 73.

Ang Tigers ay itinanghal na kampeon sa anim na event, nagkaroon ng seven runner-up finishes, at five third place trophies.

Sinikwat nila ang kanilang 14th straight overall championship sapul noong 1988.

Ito na ang pinakamahabang winning streak na nagawa sa liga at ito ang  38th overall championship crown ng Tigers, 12 titles na lamang sa second-running Far Eastern University.

Nangibabaw ang UST sa men’s volleyball, women’s judo, men’s lawn tennis, women’s taekwondo at baseball, at pumangalawa sa women’s volleyball, men’s at women’s football, men’s antwomen’s chess, women’s athletics, men’s swimming, men’s beach volleyball, at men’s taekwondo.  Gilbert Perdes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply