Overpricing ng oil firms pinabubusisi ng mga tsuper

DAPAT aniyang  paimbestigahan  ni Pangulong Benigno Aquino III ang  tatlong kumpanya ng langis dahil sa pagpataw ng halagang P6.72 overpriced per liter ng diesel at gasolina .

Ayon kay George San Mateo, Secretary General ng Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON, dapat ding alisin  ni Pangulong Aquino ang Value Added Tax na ipinataw sa petroleum products na pwedeng-pwedeng i-rollback ang prices ng diesel at gasoline ng P7.00 kada litro.

Sinabi ni San Mateo na kung hindi bibigyan ng aksyon ng gobyerno ang karaingan ng transport sector lalo na sa hanay ng PISTON magsasagawa sila ng isang nationwide transport strike bago matapos ang buwan ng Marso.

Ayon pa kay San Mateo, bukod sa PISTON ikinakasa na rin ng grupo ang pakikipagtulungan ng mga kaalyadong grupo ng PISTON sa ikatatagumpay ng malawakang transport holiday.

Sa hiwalay na interview, iginiit din ni Efren de Luna ng Alliance of Concerned Transport na isasampa nila ngayong linggo ang panibagong petition para sa fare hike na P1.50 kaugnay na rin sa panibagong oil price hike na ipatutupad ng mga oil company sa linggong ito.

Ayon kay De Luna, sa panibagong oil price hike na ipatutupad ng mga oil company walang ibang paraan kung paano mababawi ng mga driver ang malaking kawalan sa kanilang kita.

Bilang lehitimong transport leader, obligasyon umano niya na magsampa ng fare hike sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para mabawi ang itinaas sa presyo ng diesel at gasolina.

Kaugnay nito, sinabi ni De Luna na patuloy nilang bibigyan ng 20% discount ang mga handicapped, senior citizen at mga estudyante sa kabila ng sunod-sunod na oil price hike. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply