OWWA maglalaan ng P10,000 ‘grant assistance’ sa mga OFW sa Libya’

TATANGGAP ng  P10,000  “grant assistance”  ang bawat Filipino workers na lumikas mula sa bansang Libya mula sa  Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Department of Labor and Employment (DoLE) Sec. Rosalinda Baldoz, ang nabanggit na tulong pinansyal ay karagdagan sa “package of assistance” ng pamahalaan sa mga naapektuhang kababayan, gaya ng job placements at business loan.

“The OWWA is ready to provide a grant assistance of P10,000 to every OFW coming home from Libya, in addition to the package of assistance that the National Reintegration Center for OFWs (NRCO) is preparing for them,” ayon sa kalatas ng DoLE.

Tinatayang may 4,097 Filipinos ang naghihintay ng kanilang evacuation sa Libya habang mayroon namang 3,544 mga kababayang naghihintay na lamang ng kanilang skedyul pa-uwi ng Pilipinas.

“There are still 4,097 Filipinos awaiting evacuation from Libya, and finally, repatriation to the Philippines. Also as of today, reports collated by the DOLE Middle East Crisis Monitoring Center place the number of Filipinos already out of Libya at 3,544. Arrangement for their onward transportation to the Philippines is in various stages.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply