OWWA may contingency plans sakaling lumala ang gulo sa Saudi

MAY nakahanda na umanong contingency plans ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sakaling lumala ang sitwasyon sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) at maapektuhan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) doon bunsod ng mga nagaganap na kilos protesta roon.

Ito ang tiniyak kahapon ni OWWA administrator Carmelita Dimzon kasabay nang anunsiyo na ina-assess ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa nasabing bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang embahada at Filipino community para sa pagpapatala ng mga pangalan ng mga Pinoy at kung lumalala ang sitwasyon ay agad na maisasagawa ang paglilikas sa mga ito.

Matatandaang inalerto na ng DFA ang mga Pinoy na nasa Saudi Arabia at pinayuhang maging alerto at iwasang makisama sa maraming tao. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply