P400,000 natangay sa retired teacher

UMIIYAK na dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang retired teacher nang tangayin ng dalawang babaeng snatcher ang kanyang P4000,000 pera na bahagi ng kanyang nakuhang retirement benefits sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Conchita Lucas, 63, retired public school teacher, ng 5 Balagtas st. Purok 4 Lower Bikutan Taguig City.

Sa pahayag ng biktima kay SPO4 Vergilio Manabat, ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap 12 ng tangahali kanina, Marso 3 habang nag-aabang siya ng pampasaherong dyip sa harap ng Philippine National Bank (PNB) Financial Complex, Diosdado Macapagal Blvd. Pasay City.

Habang nakatayo aniya siya ay nilapitan siya ng dalawang babae na inakala niyang naghihintay din ng masasakyan pero laking gulat nang agawin ng dalawa ang kanyang bag na naglalaman ng salapi at mahahalagang dokumento.

Ang dalawang babae ay isinalarawang nasa 40 hanggang 45 anyos, may taas na 5’1 , kapwa mataba at may pagka-tomboy, agad na nagtatakbo palayo sa lugar.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Pasay police upang madakip ang dalawang salarin.  Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply