P.5 milyon dagdag pabuya sa magtuturo sa killer ni RDO Yap

INIHAYAG ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto na nagdagdag pa ng kalahating milyong pisong pabuya ang central office ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) sa makapagtuturo ng kinaroroonan ng killer ni Revenue District Officer Marcelino Yap.

Ayon kay Prieto, ang impormasyon ay ipinarating sa kanya ni PRO-4 Regional director P/C. Supt. Samuel Pagdilao matapos maglaan si BIR Commissioner Kim Henares ng P500,000 para sa ikadarakip ni Armando Carino alyas “Manding.”

Ang nasabing halaga ay dagdag sa naunang P300,000 na inialok ng pamahalang lungsod ng Antipolo at mga kaibigan ni Yap ilang araw matapos ang pamamaslang.

Matatandaan na si Yap ay pinagbabaril ng suspek habang naglalakad sa tapat ng L and M Grills sa Marchos Highway, Brgy. Mayamot Antipolo City noong Pebrero 17, 2011 ganap na 8:45 ng umaga ilang metro lamang ang layo sa kanyang tanggapan.

Natukoy naman ang suspek matapos maiwan ang get away motorcycle nang banggain ng driver ni Yap habang papatakas.

Hawak naman ng pulisya ang pamangkin ni Armando na si Andy, itinuturong may-ari ng motorsiklo. Jhie Convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply