P1.00 fare hike sa bus simula sa Martes

INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na dagdag- singil sa pasahe ng mga pampasaherong bus sa Metro Manila.

Ayon sa ahensiya, simula umano sa Martes ay ipapatupad na ang P1.00 na umento sa bus fares.

Dahil sa fare increase, magiging P10.00 na ang minimum fare sa mga non-air-conditioned buses habang P12.00 naman sa air-conditioned buses.

Una rito, naghain ng petisyon sa LTFRB ang grupong Inter City Bus Operators Association (InterBOA) at South Luzon Bus Operators Association (SoloBOA) para P2.00 na dagdag-pasahe.

Maliban sa mga pampasaherong bus, una na ring inaprubahan ng LTFRB ang fare increase sa mga pampasaherong jeep at flagdown rate ng mga taxis.

Samantala, itinakda naman ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor (Piston) sa March 31 ang gagawin nilang nationwide transport strike, bilang pagkondina sa umano’y kapabayaan ng gobyerno laban sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Balak din ng grupo na magsagawa ng martsa mula Quezon City Memorial Circle hanggang Malacañang.

‘Instead of taking any action, President Benigno Aquino simply allowed the prices to go higher,” giit ng grupo.  Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply