P1.2M produkto ng P&G hinaydyak

TINATAYANG aabot sa P1.2 milyon halaga ng iba’t ibang produkto ng Procter and Gamble ang natangay matapos haydyakin ng limang armadong lalaki na nakauniporme ng pulis sa San Miguel Bulacan, iniulat Miyerkules ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Rodrigo Guina, ng MPD-Anti Carnapping Unit (ANCAR), Lunes ng 11 ng gabi nang mahi-jack  ang minamaneho ni Raymark Santiago Malapandan, 21, ng 47 Balucoc Sta. Ines San Miguel Bulacan ang ten-wheeler wingvan Isuzu Trucking (RAZ 758) kasama ang kanyang pahinante na si Marvin Santos, 32, ng 43 Balukok Sta. Ines San Miguel Bulacan.

Nakilala naman ni Malapandan ang isa sa suspek na si Ruel Flores sa pamamagitan ng pagturo sa photo gallery ng ANCAR.

Sa salaysay ni Malapandan, galing umano ang truck sa Cabuyao Laguna at patungong CSI supermarket sa Dagupan City, sa Pangasinan upang ideliver ang nasabing mga produkto.

Pagsapit umano sa Dangwa, Retiro sa San Lazaro Manila ay bigla na lamang silang hinarang ng dalawang unipormadong pulis.

Pinababa ng isa sa pulis ang driver na si Santiago upang makipag-usap sa mga ito at nang bubuksan na niya ang pinto ng truck ay sumulpot naman ang tatlo pang kasamahan ng hi-jackers.

Nagduda si Santiago kaya tinangka niyang isara agad ang pinto ng truck subalit agad siyang sinuntok at tinutukan ng di mabatid na kalibre ng baril  bago ipina-abante ang truck.

Naramdaman na lamang ng mga biktima na pinaandar ng mga suspek ang truck kung saan tanging ang mga kalabog na lamang ang kanilang narinig na indikasyong idinidiskarga ang mga kargamentong produkto.

Naramdaman din umano ng mga biktima na paisa-isang bumababa ang mga suspek hanggang sa inabandona na lamang ang truck kasama sila sa loob ng truck dakong 3 ng madaling-araw ng Martes sa Pioneer st., Brgy. Kapitolyo, sa Pasig City.

Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima nang makakalag sa kanilang pagkakatali. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply