P1 dagdag singil sa bus fare inalmahan

MAGHAHAIN ng petisyon ang commuters’ organization sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang kontrahin ang naging hakbang ng ahensiya sa pagpayag na aprubahan ang provisional increase na P1 minimun  fare sa  ng lahat Public Utility Buses (PUBs)  sa  Metro Manila.

Ayon kay Elvira Manahan, president ng National Council for Commuters Protection (NCCP) hindi aniya patas ang ginawang hakbang ng LTFRB ukol dito dahil hindi nila aniya maipaliwanag ang dahilan  at kung paano sila nagkasundo  para dagdagan  ng P1 ang pamasahe.

Noong Biyernes ay naglabas ng utos ang LTFRB  sa implementasyon ng  P1.00  karagdagan sa minimum fare  ( unang limang kilometro ) sa  ordinary at air-conditioned buses  sa  P9.00 at P12.00  sa  National Capital Region (NCR).

Ang nasabing  provisional increase  ay inaprubahan ng board upang makatugon ang operators sa patuloy na paglobo ng mga produktong petrolyo na ipinapataw ng mga kumpanya ng langis.

LUmilitaw na sa taon lamang na  ito umabot na sa 10 pagtataas ang naipatupad ng mga kumpanya  ng langis at isang rollback sa halaga ng krudo na ngayon ay umabot na sa P46.65  kada litro.

Bagamat  kinikilala ng  board  ang sentimiyento ng mamamayang Filipinosa panahon ng krisis, hindi naman aniya dapat na samantalahin ito ng  stake holders at public land transportation na magtaas agad ng kanilang singil sa pasahe. Alex Ching

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply